ANG MAKULAY NA KASAYSAYAN NG
CHURCH OF THE ROCK OF AGES (IEMELIF)
Nagpasimula ang gawain sa pamamagitan ng Bible Study sa bawat tahanan ng ilang kapatiran na nalipat ng tirahan sa dakong ito ng Brgy. Baltao, na ngayon ay Brgy. Vitalez na. Ang mga kapatirang ito ay mula sa Kongregasyon ng Iglesia ng Tambo IEMELIF Church.
Sa ilalim ng programang "A Church in a Churchless Area" na pinangunahan ni Dra. Adelaida Marquez-De Guzman ay patuloy ang gawain ng Panginoon sa dakong ito. Subalit dumating ang pagkakataon na hindi na naitaguyod ang programang ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Si Dra. Adelaida Marquez-De Guzman ang nagpatayo ng kapilya sa dakong ito ng baltao sa pakikipagtulungan na rin ng mga kapatiran.
Ang kaniyang kapatid na si Engr. Diosdado Marquez ang gumuhit at nanguna sa pagpapagawa ng gusali o kapilya. Subalit malaki rin ang naging bahagi ng Kptd. Herarda “Ka Andang” Romero upang maisaayos ang kalagayan / katayuan ng Iglesia sa dakong ito ng Baltao. Ang Ka Andang ang siyang naglakad sa Neighborhood Association ng Jetlane Village. Ang pakikipagsanggunian sa mga kinauukulan upang magkaroon ng permit at maging legal ang pagtatayo ng Iglesia sa komunidad na ito.
Hindi rin malilimutan sa kasaysayan ng Iglesia sa dakong ito ng Baltao ang mga Kptd. Segundo Mendoza, Kptd. Luz Guansing-Garcia, Kptd. Ramona Borja dahil sa kanilang pagmamalasakit, pagpapahalaga at pagtatalaga ng buhay sa gawain ng Panginoon. Marapat lamang na pasalamatan ang Panginoon dahil sa dakong ito ng Baltao ang Diyos ay tumawag ng mga lalaki at babae na nag-alay ng buhay alang alang sa ministeryo ng Panginoon, sila Kgwd. Rico Esguerra at John Garcia ay naging pastor at sina Deac. Armelene Garcia-Mendoza at Jessica Garcia-Olean ay naging Diakonesa at manggagawa ng Iglesia. Sila ang maituturing na bunga ng pananampalataya sa ubasan ng Panginoon sa dakong ito.
Kaya’t dumating ang pagkakataon na ang Iglesia sa dakong ito ng Baltao ay itinalaga o isinagawa ang “Bround Breaking o Laying Corner Stone” a pinangunahan ni Obispo Geronimo P. Maducdoc kasama si Pastora Ruth Castro at mga kapatiran ng Iglesia.
Natatag ang Iglesia sa dakong ito noong Hulyo 19, 1979 sa tulong at sa biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo. Subalit halos dalawang taon pa bago ipanganak ang Iglesia sa dakong ito ay ginamit na ng Panginoon sila Pastor Marco Antonio, at Pred. Nicasio Cainglet (na ngayon ay Pastor na) upang pangasiwaan at pangalagaan ang Iglesia sa dakong ito ng Baltao.
Nadestino si Pastor Bienvenido Sebastian mula noong taong 1980-1984, na kung saan ay sumigla ang koro ng Iglesia at nagkaroon ng Senior at Pebbles Choir, na pinangasiwaan nina Kptd. Leah Rada, BJ Sebastian, Ariel Alfonso, Pastora Ner Rodriguez at Deac Lucy Luna. Malaki rin ang bahagi ni Kptd. Loto Alfonso sa pangunguna upang mapasigla ang gawain ng Panginoon at nag-ingat ng mahahalagang ala-ala at pangyayari sa loob at labas ng Iglesia.
Sa pagpapatuloy ng mga gawain ng Panginoon sa dakong ito ay nadestino ang mga lingkod ng Panginoon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga taon:
- Pastor Benjamin Rada (1985-1988)
- Diak Lucy Luna
- Pastor Ramon Mendoza (1989)
- Pastor Celerino Santos (1990)
- Pastor Juan Caguioa at Deac. Norma Caguioa (1991-1992)
- Pastor Elben Rodriguez (1993)
- Pastor Ruel Serafin (1994)
- Pastor Orlando Tuazon (1995)
- Pastor Ebenezer Quezon (1996-1997)
- Pastor Rosendo Tigcal (1998-2004)
- Diak. Norilyn Rubio (2002)
- Diak. Thess Cañete (2003-2006)
- Pastor Nemuel Trinidad (2005-2006)
- Pastor Onesimo Manalili at Diak. Virgie Manalili (2007-Kasalukuyan)
Noong January 2004 sa panahon ng local conference ay napagkasunduan at naipasa sa
pamamagitan ng buong kapatiran na gawing isa nang Kongregasyon ang “The Church of the Rock of Ages” mula sa katayuang Mission Point ng Tambo IEMELIF. At noong Pebrero 29, 2004 sa panahon ng ika-95 Anibersaryo ng IEMELIF sa PICC ay ipinakilala ang The Church of the Rock of Ages (IEMELIF) bilang isa nang ganap na Kongregasyon.
Ang Kongregasyon ng Rock of Ages ay may kabuoang bilang ng kaanib na 171 ayon sa 2009 Census ng Iglesia.
Sa ngayon, patuloy ang gawain ng panginoon sa dakong ito ng Baltao. May mga Bible Study sa bawat tahanan at iba pang lugar, Training and Seminar, Visitation, Sunday School, Devotional Worship at iba’t ibang occasional / seasonal activities. Ang lahat ng kapurihan ay para lamang sa panginoong Hesu-Kristo!